^

Probinsiya

Union leader sa Cavite nilikida

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna — Isa na namang lider militante na nakabase sa Cavite ang iniulat na napaslang samantala, dalawa naman ang nasugatan makaraang tambangan ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay naghahatid ng pagkain sa canteen sa factory na sakop ng Imus, Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ni Doris Cuario, secretary-general ng Karapatan-Southern Tagalog ang biktimang si Jesus "Butch" Servida, 32, ng Barangay Malagasang, Imus, Cavite at vice president ng labor group Pagkakaisang Ugnayan ng Manggagawa sa Timog Katagalugan.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa mukha si Servida, samantalang sugatan naman sina Joel Sale, 32 at Kenny Mari Severo, matapos tamaan ng ligaw na bala at kasalukuyang ginagamot sa University Medical Center sa Dasmariñas, Cavite.

Sa imbestigasyon ng mga tauhan ni P/Supt. Efren De Castro, hepe ng pulisya sa munisipalidad ng Imus, magdedeliber sana ng gulay si Servida kasama ang tatlong iba pa nang ratratin ng suspek habang nasa harap ng gate 2 ng Yazaki-EMI factory sa Barangay Anabu bandang alas-6:15 ng umaga.

Sa panayam ng PSN kay De Castro, itinanggi pa nito nung una na opisyal ng unyon ang biktima dahil hindi na ito kawani ng nasabing factory, subalit nilinaw naman ni Nora Diloy, union secretary ng Samahan ng mga Manggagawa sa EMI (SM-Independent), na aktibong opisyal at miyembro ng unyon sina Servida at Sale na naatasan pa ngang mag-organisa ng mga programa ng unyon sa munisipalidad ng Bacoor at Imus, Cavite.

Mariin ding kinondena ni Marlene Gonzales, chairman ng Solidarity of Cavite Workers, ang pagpatay kay Servida at pagkakasugat ng dalawa pang manggagawa.

"This is not a simple intra-union dispute. This is a politically-motivated murder being carried out against the militant and progressive labor activists in Cavite" dagdag pa ni Gonzales sa mga mamamahayag.

vuukle comment

BARANGAY ANABU

BARANGAY MALAGASANG

CAVITE

DE CASTRO

DORIS CUARIO

EFREN DE CASTRO

JOEL SALE

KARAPATAN-SOUTHERN TAGALOG

KENNY MARI SEVERO

SERVIDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with