^

Probinsiya

Bangkay ng dalagitang ni-rape slay natagpuan

-
CAVITE – Nilulumot na ang nagsisimula nang maagnas na bangkay ng isang dalagita na pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinaslang nang matagpuan ng mga residente sa isang palaisdaan sa Bacoor sa lalawigang ito kahapon ng umaga.

Ang biktima ay tinatayang nasa 15-16 anyos, walang saplot sa pang-ibaba, tisay at humigit kumulang sa 5-talampakan ang taas at nakalutang sa palaisdaan sa Brgy. Mabolo 2 ng bayang nabanggit.

Sa imbestigasyon ni PO3 Dominador Termil dakong alas-7:30 ng umaga nang itawag sa kanilang himpilan ni Task Force Mabolo Chief Wowie Almeda ang narekober na bangkay.

Isang basurero umano ang unang nakatagpo sa lumulutang na bangkay ng biktima sa nasabing palaisdaan, habang ito ay namumulot ng basura malapit sa nasabing lugar.

Base sa teorya ng pulisya , pinaniniwalaang hinalay muna bago pinaslang ang biktima na may busal pa ng sarili nitong underwear ang bibig ng marekober ang bangkay. (Cristina G . Timbang

vuukle comment

BACOOR

BANGKAY

BIKTIMA

BRGY

CRISTINA G

DOMINADOR TERMIL

ISANG

NANG

NILULUMOT

TASK FORCE MABOLO CHIEF WOWIE ALMEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with