Karnaper nasakote

OLONGAPO CITY – Bumagsak sa kamay ng mga operatiba ng pulisya sa PCP 1 at Olongapo City Mobile Group ang isang notoryus na karnaper sa isinagawang operasyon kamakalawa ng hapon sa Barangay Barreto, Olongapo City.

Sa ulat ni P/Supt. Prudencio Thalla kay P/Sr. Supt. Angelito Pacia, nakilala ang suspek na si Angelito Devera, 24, ng 10-Gordon St. New Banicain, Olongapo City.

Napag-alamang kinarnap ng suspek ang isang kulay silver gray na Toyota Vios (XTF-273) na pag-aari ni Maria Sheryl Jimenez habang nakaparada ang nasabing sasakyan sa # 51 Fountaine St., East Bajac-Bajac.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay idineport mula sa Estados Unidos matapos maaresto sa serye ng carnapping at iba pang krimen. (Jeff Tombado)

Show comments