^

Probinsiya

Trader, binata bulagta sa parak

-
BULACAN – Dalawang katao ang nasawi kabilang ang isang negosyante nang magkasunod na barilin ng isang pulis habang nasa loob ng isang restoran dahil lamang sa hindi pagkakaintindihan kamakalawa sa Malolos City.

Kinilala ni Supt. Sheldon Jacaban, hepe ng Provincial intelligence and investigation branch (PIIB) ng panglalawigang pulisya ang mga biktima na sina Gerardo Almadrones, 42, isang businessman at Roberto Cruz, 40, binata, walang trabaho, kapwa residente ng Angat, nasabing lalawigan.

Ang suspek naman ay nakilalang si SPO2 Eduardo Valencia y Guevarra, 45, na nakatalaga sa sa Angat Police Station.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pumasok si Valencia sa Elizabeth Restaurant kasama sina SPO3 Leopoldo Ignacio at Daniel De Guzman, ang municipal radio operator ng Angat sa Brgy. Sta. Cruz noong Biyernes, bandang alas-3:30 ng madaling-araw.

Ilang sandali pa, dumating naman si Cruz kasama ang isang Rosendo Lipana. Nang makita ni Cruz ang grupo ni Valencia, agad niyang nilapitan ito at nakipagkuwentuhan. Hindi nagtagal, dumating naman si Almadrones at sumama din sa kanila.

Ayon sa pulisya, habang nagkukuwentuhan ang grupo, nagsalita umano si Cruz ng "Sarhento, hindi ako nagtutulak ng droga, pumapatay lang ako ng tao." Dahil dito, agad na binunot ni Valencia ang kanyang baril at pinaputukan si Cruz. Tumayo naman si Almadrones, ngunit pinaputukan din ito ng naturang pulis.

Samantala, agad namang iniulat ni SPO3 Ignacio ang insidente sa Angat Police Station ngunit alas-7 na ng umaga nang sumuko si Valencia sa awtoridad. (Dino Balabo)

vuukle comment

ALMADRONES

ANGAT

ANGAT POLICE STATION

CRUZ

DANIEL DE GUZMAN

DINO BALABO

EDUARDO VALENCIA

ELIZABETH RESTAURANT

GERARDO ALMADRONES

LEOPOLDO IGNACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with