^

Probinsiya

2 niratrat sa plaza, patay

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Dahil sa pag-aakalang mga tiktik ng militar at pulisya ang dalawang mister ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mismong harapan ng taumbayan sa plaza ng Barangay Little Maglambog sa bayan ng Monreal, Masbate kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Arconico Asrez 55, laborer at Salvador Espinosa, 50, magsasaka at mga residente ng Barangay McArthur ng naturang bayan.

Ayon sa ulat, ang mga biktima ay dinukot ng mga rebeldeng sina Virgilio "Yendi" Arizola, Segundo "Baletog" Barile, Ronnie Dejuano at iba pang rebelde na pinamumunuan ni Edelio "Bing" Bantangan. Napag-alamang tinawag ng mga rebelde ang taumbayan para saksihan ang pagpatay sa mga biktima sa plaza.

Matapos ang pamamaslang ay tinangay ng mga rebelde ang ilang celfone ng mga residente saka tumakas patungo sa Sitio Anoring, Barangay Guindahap ng naturang bayan. Nabatid na ipinaaalam ng mga rebelde na aktibo pa rin sila sa pakikipaglaban. (Ed Casulla)

vuukle comment

ARCONICO ASREZ

BARANGAY GUINDAHAP

BARANGAY LITTLE MAGLAMBOG

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

NEW PEOPLE

RONNIE DEJUANO

SALVADOR ESPINOSA

SITIO ANORING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with