3 gunrunner nasakote

CAMP CRAME – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng gunrunning sydicate ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa Purok Sautan, Brgy. San Jose District, Pagadian City, Zamboanga del Sur, ayon sa ulat kahapon. Kabilang sa mga suspek na nakapiit ngayon ay nakilalang sina Marcos Oliverion, Inocente Oliverion at Marcos Oliverion Jr. na pawang magkakamag-anak. Napag-alamang tinangka pang tumakas ng mga suspek, subalit agad namang nasukol at nakumpiskahan ng isang cal 357, isang cal .45 pistol, isang barrel ng shotgun at sari-saring uri ng mga bala. Kasalukuyan na ngayong isinasailalim sa masusing tactical interrogation ang mga suspek na nakatakda na ring ipagharap ng kasong kriminal. (Joy Cantos)

Show comments