^

Probinsiya

Hardware nilooban, pahinante dedo

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Isang pahinante ang napatay matapos na barilin ng apat na kalalakihan na nanloob sa pinagtatrabahuan nitong hardware sa Brgy. Poblacion, Rosario, Cavite kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni C/Insp. Mario Reyes, hepe ng Rosario Police dead-on-the-spot sa insidente ang biktimang si Dennis Madrid, 20-anyos, binata at residente sa naturang lugar.

Arestado naman ang isa sa suspek habang nakasiksik at nagtatago sa mga kahoy sa loob ng hardware na nakilalang si Steve Olibas, 48-anyos at driver ng niloobang hardware samantalang nagsasagawa na ng manhunt operation ang kapulisan laban sa mga kasama ng suspek na nakilalang isang alyas Sammy; Alias George at alyas Joel.

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Lyndon Herrera, bandang alas-6:30 ng pasukin ng apat na suspek ang Salinas Plaza Construction Supply na pag-aari ni Amador Yu at dito’y agad pinukpok ng dos pordos ang ulo ng Security Guard na si Jaime Padayao, 39 taong gulang.

Habang palabas naman ang mga suspek ay nakita ang mga ito ng biktima kaya pinagbabaril ito matapos na makilala ang kanilang driver. Isinasailalim pa ng pulisya sa masusing imbestigasyon ang kasong ito. (Cristina G. Timbang)

vuukle comment

ALIAS GEORGE

AMADOR YU

CAVITE

CRISTINA G

DENNIS MADRID

JAIME PADAYAO

LYNDON HERRERA

MARIO REYES

ROSARIO POLICE

SALINAS PLAZA CONSTRUCTION SUPPLY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with