Dating preso dinedo

CAVITE — Pinaniniwalaang may kaugnayan sa bawal na gamot kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang dating bilanggo ng kanyang naging kabarong preso habang ang biktima ay naglalakad sa kahabaang sakop ng Barangay Burol 2 sa bayan ng Dasmariñas, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Napuruhan sa katawan ang biktimang si Rogelio "Taiman" Miclat na nakulong sa himpilan ng pulisya bago nakalaya. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Ador Esternon ng nabanggit na barangay. (Cristina Timbang)

Show comments