^

Probinsiya

Van vs. bus: 3 patay

-
NUEVA ECIJA — Tatlong sibilyan ang kumpirmadong nasawi, habang tatlo pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang magsalpukan ang pampasaherong bus at van ng mga biktima sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Sitio Kalasingan sa Barangay Joson, Carranglan, kamakalawa ng umaga.

Isa sa mga biktima ay nakilalang si Anthony Nicolas, 27, ng Brgy. San Isidro sa bayan ng Paombong, Bulacan habang ang dalawang babae na nasawi ay bineberipika pa ang pagkikilanlan.

Kasalukuyan pang ginagamot sa Premiere General Hospital ang mga malubhang sugatang biktima na sina Generoso Gomez, 50; Edgar Gonzals, 59; at Narcisa Gonzales, 47, na pawang residente ng Bulacan.

Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng Norton Transit Bus (BVJ-896) na si Saldo Camsol, 45, ng La Trinidad, Beguet.

Napag-alamang dadalaw sana ang mga biktima sa kanilang kaanak ng maganap ang malagim na sakuna. (Ulat ni Christian Ryan Sta, Ana)

vuukle comment

ANTHONY NICOLAS

BARANGAY JOSON

BULACAN

CHRISTIAN RYAN STA

EDGAR GONZALS

GENEROSO GOMEZ

LA TRINIDAD

MAHARLIKA HIGHWAY

NARCISA GONZALES

NORTON TRANSIT BUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with