5 holdaper nadakma

Bataan – Limang kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi ng grupong robbery/holdup gang ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya sa magkahiwalay na bayan ng Bataan at Pampanga kamakalawa. Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek na holdaper na sina Michael D. Mata, 34; Jonathan D. Sagad, 35, kapwa naninirahan sa Sitio Sta. Rita, Brgy. Gutad, Floridablanca, Pampanga; Norman Limin; Reynaldo Pidin at Francis Limin.

Ayon sa ulat, sina Michael at Jonathan ay nadakma sa bahagi ng Barangay poblacion, Dinalupihan, Bataan matapos na holdapin ang isang burger machine sa Brgy. Pintor, samantala, sina Norman, Reynaldo at Francis ay nasakote sa bayan ng Guagua, Pampanga na lulan ng Toyota corolla na may plakang UGY-263. (Ulat ni Jonie Capalaran at Resty Salvador)

Show comments