Tsinoy trader dinukot
July 1, 2005 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Blangko pa rin ang mga tauhan ng pulisya hanggang sa ngayon matapos dukutin ang isang negosyanteng Tsinoy ng mga armadong kalalakihan sa bahagi ng Barangay Alapan 2B sa bayan ng Imus Cavite noong Martes ng umaga.
Kinilala ni P/Senior Supt. Benjardi Mantele, Cavite provincial director, ang biktimang si Carry Chua, 50, may-ari ng pataniman ng orchids sa Barangay Alapan 2B sa nabanggit na bayan.
Sa ulat ni Mantele, sapilitan isinama ng tatlong hindi kilalang kalalakihan ang negosyanteng babae habang nag-aayos ng mga orchids at isinakay sa pag-aari nitong Toyota Revo na may plakang WTG-168 na tumakas sa di matukoy na direksyon bandang alas-9 na umaga.
Walang tawag sa telepono na natatanggap ang pamilya ng biktima mula sa mga kidnaper na pinaniniwalaang may kaugnayan sa negosyo ni Chua. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest