^

Probinsiya

Ex-KFR member, itinumba

-
STO. TOMAS, Batangas — Pinagbabaril hanggang sa bumulagtang patay ang isang 28-anyos na lalaking pinaniniwalaang dating naging kasapi ng grupong kidnap-for-ransom ng mga hindi kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa harap ng St. Cabrini Hospital na sakop ng Barangay San Antonio ng bayang ito kamakalawa. Walong tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Celestino Ambida Jr., ng Barangay San Bartolome sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas.

Ayon kay P/Chief Insp. Raul M. Tacaca, hepe ng pulisya sa bayang ito, ang biktima na dating miyembro ng Tolentino Gang, Pulang Lupa Faction at sangkot sa serye ng kidnapping sa nasabing lalawigan ay inupakan ng mga kalalakihang nasa loob ng L300 van na walang plaka. Posibleng onsehan sa partihan ng ransom ang isa sa anggulong sinisilip ng pulisya. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

AYON

BARANGAY SAN ANTONIO

BARANGAY SAN BARTOLOME

BATANGAS

CELESTINO AMBIDA JR.

CHIEF INSP

PULANG LUPA FACTION

RAUL M

ST. CABRINI HOSPITAL

TOLENTINO GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with