Deboto natusta sa kuryente

CAMP AGUINALDO — Isang 37-anyos na deboto sa kapistahan ng San Juan ang kumpirmadong nasawi makaraang makuryente at natusta hanggang sa mamatay habang nakikipag-agawan ng mikropono sa ginanap na piyestahan sa Sitio Seaside na sakop ang Barangay Poblacion, Compostela Valley kamakalawa.

Ang biktimang halos masunog dahil sa lakas ng boltaheng pumasok sa katawan ay nakilalang si Florante Canlas na pinaniniwalaang lango sa alak at basa ang buong katawan nang mapadikit ang kamay sa talop na linya ng kuryente kaya nakalawit ni kamatayan. (Joy Cantos)

Show comments