^

Probinsiya

3 dinedo ng adik

-
ORION, Bataan – Tatlo-katao kabilang na ang sanggol na nasa sinapupunan ng 17-anyos na babae ang pinatay ng isang lango sa droga sa naganap na karahasan sa Upper Bilolo, Orion Bataan, kamakalawa.

Kabilang sa pinaslang ay sina: Sally Tauro, 17, apat na buwang buntis, at ang pinsang nitong si Jerome Balila Aquino, 12, grade VI, ng nabanggit na barangay.

Naghihimas naman ng rehas na bakal ang suspek na si Ronaldo Santos y Quicho, 31, may-asawa, trabahador sa isang junkshop.

Sa imbestigasyon ni PO1 Lemuel Aguilar, naitala ang krimen bandang alas-kuwatro ng madaling-araw matapos na pumasok ang suspek sa bahay ng mga biktima.

Namataan ni Jerome ang suspek na hinuhubaran ng damit si Sally na natutulog kaya ito nagmamadaling bumangon upang huminggi ng tulong.

Subalit agad namang hinabol ng suspek at nang maabutan ay dinala sa banyo at doon nilunod sa drum ng tubig hanggang sa mapatay.

Nagkataon namang nagising si Sally at naaktuhang ang suspek kaya nagmadaling tumakas palabas ng kanilang bahay, subalit pinatay din siya sa pamamagitan ng tuwalyang itinakip sa mukha.

Ayon pa sa ulat, ang mga bangkay ng biktima ay hinila ng suspek patungo sa kanyang kwarto at itinago sa isang plastik kabinet, subalit hindi nagtagal ay nadiskubre ang krimen. (Ulat ni Jonie Capalaran)

vuukle comment

AYON

JEROME

JEROME BALILA AQUINO

JONIE CAPALARAN

KABILANG

LEMUEL AGUILAR

ORION BATAAN

RONALDO SANTOS

SALLY TAURO

UPPER BILOLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with