Trader tinodas ng utol

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 60-anyos na trader ng sariling utol makaraang tumanggi ang biktima na pautangin ng pera ang huli sa Barangay Crossing sa bayan ng Uson, Masbate kamakalawa ng hapon. Napuruhan ang biktimang si Lourdes Domingo, samantalang ang suspek na si George Domingo, 58, ay agad namang sumuko sa pulisya makaraang isagawa ang krimen dakong alas-5:30 ng hapon. Base sa ulat ng pulisya, nangungutang ng pera ang suspek sa biktima, subalit hindi nakahiram hanggang sa magtalo ang mag-utol at nauwi sa pamamaslang. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments