40-taon sa amang killer ng anak

BACOLOD CITY — Hinatulang mabilanggo ng apatnapung taon ang isang 41-anyos na ama na napatunayang gumahasa at pumatay sa sariling anak na 13-anyos may limang taon na ang nakalipas. Sa desisyon ni Judge Henry Arles ng Kabankalan RTC sa Negros Occidental, pinatawan ng hatol ang akusadong si Enrique Cabasa Flores at inatasang magbayad sa mga naulila ng biktima ng P125,000 bilang danyos perwisyo. Sa record ng korte, naganap ang krimen sa plantasyon ng saging noong Hulyo 31, 1999 at natagpuan ang bangkay ng biktima noong Agosto 3, 1999. (Ulat ni Antonieta Lopez)

Show comments