Bagets dedo sa vehicular, 1 pa grabe

Cavite – Isang bagets ang nasawi habang isa naman ang grabeng nasugatan makaraang masagasaan sa Bacoor ng lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa St. Dominic Medical Center ang biktimang si Marineth Balicudiong, 13, ng #4 JS Ville Subdivision, Dulong Bayan, Bacoor habang inoobserbahan pa rin si Rovie Trima, 17 sa grabe nitong kondisyon.

Bandang alas-11:00 ng gabi habang tumatawid ang mga biktima sa kahabaan ng Tirona Highway, Brgy. Habay, Bacoor nang mahagip ng isang mini-bus na may plakang DVW-721. Dahilan sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon si Marineth sa kabilang bahagi ng kalsada na minalas na muling masagasaan ng isang rumaragasang shuttle bus na may plaka namang NYL- 244. (Lolit Yamsuan)

Show comments