'Pinsan' ni PGMA dinukot

CABANATUAN CITY — Dinukot ang isang dating mataas na opisyal ng grupong BAYAN at pinaniniwalaang pinsan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng tatlong hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay papasok ng kanyang bahay sa Grand Victoria Estate, Barangay Bitas ng lungsod na ito noong Huwebes ng gabi.

Kasalukuyan pang blanko ang mga tauhan ng pulisya sa pagkakadukot sa biktimang si Danny Macapagal, dating secretary general ng grupong BAYAN at naging coordinator din ng grupong Bayan Muna.

Ayon kay P/Supt. Jesus Gordon Descanzo, police chief ng nasabing lungsod, naitala ang insidente dakong alas-9 ng gabi matapos na harangin ang biktima ng mga armadong kalalakihan habang papasok ng kanyang bahay. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments