Police chief itinumba ng NPA

CAMP CRAME – Tinambangan at napatay ang isang 55-anyos na police chief ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay patungo sa pagpupulong sa Sitio Mamasag, Barangay Poblacion, Lacub, Abra kamakalawa.

Ang biktimang si SPO4 Ernesto Bernal ay itinalagang OIC bilang police chief ng himpilan ng pulisya sa bayan ng Lacub. Naitala ang pananambang dakong alas-10:30 ng umaga matapos na abangan ang biktima sa nabanggit na barangay. May teorya naman ang mga awtoridad na may kaugnayan ang krimen sa trabaho ng biktima sa pakikibaka laban sa grupong makakaliwa. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments