P2.3-M nasikwat sa bangko

BALANGA CITY, Bataan – Tinatayang aabot sa P2.3-milyong mamahaling alahas at mga titulo ng lupang nakasangla ang sinikwat ng mga hindi kilalang kalalakihan makaraang pasukin ang bangko sa Lerma Street, Barangay Poblacion, Balanga City kahapon. Base sa ulat ng pulisya kay Superintendent Asterio Cumigad, police chief, pinasok ng mga hindi pa kilalang mandurugas ang Bataan Development Bank at nakatangay ng malaking halaga ng ari-arian at pera. Lumilitaw sa nakalap ng impormasyon ng pulisya, bago maganap ang pagnanakaw ay nag check-in pa ang mga hindi kilalang lalaki sa 3 Star Hotel na katabi ng nasabing bangko. May palagay ang pulisya na isinagawa ang pagnanakaw sa pagitan ng ala-una hanggang alas-5 ng umaga makaraang mabuksan ang dalawang vaults. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments