1 patay, 2 grabe sa road mishap

KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Maagang kinalawit ni Kamatayan ang isang 25-anyos na lalaki habang ang mag-utol ay malubhang nasugatan makaraang mahagip ang sinasakyang bisikleta ng mga biktima ng pick-up sa kahabaan ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay San Vicente, Bato, Camarines Sur kamakalawa.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Mediatrix Hospital si Rodel Sornillo, samantalang ginagamot naman sina: Richa Misal, 19; at Erika Misal, 12. Agad namang nadakip ang drayber ng pick-up (WSW-470) na si Arnel Tesorero ng Brgy. Concepcion Grande, Naga City. (Ulat ni Ed Casulla

Show comments