Sa reklamo ng mga stockholder na idinulog sa tanggapan ni Securities and Exchange Commission (SEC) chairman Lilia Bautista, idinaing ng mga stockholder na pinangungunahan nina Nora Bitong, Global Equities, Inc. at BHC Holdings na hanggang sa ngayon ay nakatengga pa ang naturang proyekto na dapat ay na-develop na ng SHDC noong 2000.
Hiniling pa ng mga stockholder sa SEC na maprotektahan ang P900 milyong nalikom na ng Sacobia at True North mula sa mga investor sa nasabing proyekto na inumpisahan noon pang 1997 at ngayon ay naiwang nakatiwangwang. Gayundin, sabit sina Dee at Koa sa Clark Development Corp. dahil ang Sacobia ay may mga arrears pa sa upa sa economic zone na umaabot sa di bababa sa P37 milyon. Nagsampa rin ng kasong sibil sa Makati Regional Trial Court sina Javier E. Quintos at Enrique V. Olives laban sa Sacobia at True North na kung saan hinihingi nila na ma-refund at makakuha ng danyos perwisyos dahil sila ay nakabili na ng golf club at country club shares na nagkakahalaga ng P1.2 milyon sa naunsiyaming proyekto sa Clark.