^

Probinsiya

Intelligence chief pinatay ng selosang kasintahan

-
CAMP CRAME – Hindi umubra ang husay sa paniniktik ng isang Intelligence chief ng Phil. Army na subok na ang galing laban sa mga rebeldeng grupo matapos itong barilin at mapatay ng kanyang kasintahan sa loob ng military detachment sa bayan ng Maluso, Basilan kamakalawa.

Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Technical Sgt. Eduardo Saga, Intelligence Chief S-2 ng Army’s 55th Infantry Battalion (IB) na nakabase sa Brgy. Townsite, Maluso, samantala, nakilala naman ang suspek na agad naaresto ng pulisya na si Emilyun Ditumupa.

Base sa ulat, ang insidente ay naganap sa loob ng kampo ng Army’s 55th IB pasado alas-12 ng hatinggabi.

Ayon sa imbestigasyon ng mga nagrespondeng elemento ng pulis-Maluso, bago naganap ang pamamaslang ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng selosang kasintahan. Hindi naman nakialam ang mga kasamahang sundalo dahil isa lamang itong awayan ng mag-syota.

Sa kainitan ng pagtatalo ay bigla na lamang tinutukan ng suspek ang biktima at pinaputukan sa noo na siya nitong ikinasawi.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang basyo ng kalibre .45 baril at isang magazine na may limang bala.

Kasalukuyan namang isinasailalim sa paraffin test ang suspek habang inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban dito. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BASILAN

BRGY

EDUARDO SAGA

EMILYUN DITUMUPA

INFANTRY BATTALION

INTELLIGENCE CHIEF S

JOY CANTOS

MALUSO

TECHNICAL SGT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with