3 Bombay dinakip ng BID

TABACO CITY, Albay – Tatlong Bombay na pinaniniwalaang nakapuga sa selda ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) ang dinakip ng pulisya makaraang mamataang gumagala sa Barangay Baranghawon sa lungsod na ito kahapon ng umaga. Walang maipakitang kaukulang dokumento o pasaporte sina Gurmail Singh, Devinder Singh at Kuldeep Singh na pawang nakatira sa Block 37 Santol St., Mandaluyong City. Nakatanggap ng impormasyon ang himpilan ng pulisya tungkol sa gumagalang tatlong Bombay na animo’y naniniktik sa naturang lugar at sa paniniwalang mga terorista kaya naman agad na nagresponde ang mga awtoridad hanggang sa madakip ang tatlo. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments