Amok: 2 pulis sugatan

CAMARINES SUR – Dalawang pulis-Baao ang iniulat na nasugatan makaraang itakin nang nag-amok na mister matapos na rumesponde sa pangyayari kamakalawa ng hapon sa Barangay Babangay, San Juan, Baao, Camarines Sur.

Ginagamot ngayon sa Mediatrix Hospital sina PO2 Dennies Barrameda at SPO1 Justino Noceda Jr., samantala, nabaril naman sa paa ang nag-amok na si Nestor Agravante ay binabantayan sa nabanggit na ospital.

Base sa naantalang ulat ng pulisya, rumesponde ang dalawa sa nag-aamok na mister pero sinalubong sila ng itak at kahit na may sugat ay nabaril sa paa si Agravante hanggang sa ito ay masukol. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments