Police informer itinumba

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 52-anyos na pinaniniwalaang police informer habang nakatayo malapit sa gotohan na sakop ng Barangay Talaba, Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa St. Dominic Hospital ang biktimang si Domingo Halog Jr., may asawa, ng Barangay Sineguelasan sa nasabing bayan.

Agad namang tumakas ang suspek na si Ramil Pacana matapos isagawa ang krimen bandang alas-7 ng gabi sa hindi nabatid na direksyon. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments