^

Probinsiya

15 MILF, 4 kawal patay sa bakbakan

-
COTABATO CITY – Muli na namang sumiklab ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF) rebels na nagresulta sa pagkasawi ng labinlimang rebelde at apat sa panig ng militar sa Maguindanao at Lanao del Sur kahapon.

Napag-alaman sa ulat ng lokal na opisyal ng pamahalaan sa Sultan Gumander sa Lanao del Sur, naganap ang engkuwentro sa Barangay Baraha makaraang tambangan ng mga rebelde ang tropa ng militar na nagsasagawa ng beripikasyon sa presensya ng mga armadong kalalakihan.

Agad na bumulagta ang tatlong sundalo ng Phil. Army, samantala, labing-isa naman sa panig ng MILF.

Ang engkuwentro sa pagitan ng mga sundalong kasapi ng 67th Infantry Battalion laban sa MILF rebels ay kinumpirma naman ni Eid Kabalu, tagapagsalita ng mga rebelde.

Ayon pa sa ulat, ang bakbakan sa Lanao del Sur ay nasundan pa sa Barangay Gubat, malapit sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao makaraang ambusin ng mga rebelde ang trak ng 7th Infantry Battalion na ikinasawi ni Cpl. Dennis Aguidado.

Mabilis namang gumanti ang mga sundalo na naging sanhi para bumulagta ang apat na rebelde at pinaniniwalaang maraming nasugatang MILF habang nagpupulasan sa iba’t ibang direksyon. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

BARANGAY BARAHA

BARANGAY GUBAT

DATU ODIN SINSUAT

DENNIS AGUIDADO

EID KABALU

INFANTRY BATTALION

JOHN UNSON

LANAO

MAGUINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with