^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
Traffic enforcer dedo sa ambus
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Isang traffic enforcer ang iniulat na tinambangan at napatay ng hindi kilalang lalaki habang nagmomotorsiklo papauwi sa Sitio Libis, Barangay Dulong-Bayan, San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Walang buhay na bumagsak sa sementadong kalsada ang biktimang si Pedro Aguirre, 50, may asawa ng nabanggit na barangay.

Hindi naman nakilala ang killer na agad tumakas matapos isagawa ang krimen bandang alas-8 ng gabi na pinaniniwalaang may matinding galit sa biktima. (Efren Alcantara)
27-anyos pinatay sa bahay ng ex-live-in
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 27-anyos na utol ng kanyang live-in partner makaraang magtungo ang biktima sa tinutuluyang bahay ng babae sa Caridad, Cavite City kahapon ng madaling-araw.

Idineklarang patay sa ospital si Walter Alawin, binata ng Balintawak, Quezon City, samantala, ang suspek na nakilalang si Herman Aganon ng Libis, Caloocan City ay agad na sumuko sa pulisya matapos barilin ang biktima dakong alas-2 ng madaling-araw.

Napag-alaman sa ulat ni PO3 Julio Perez Jr., namataan ng suspek na ang biktima ay nakikipag-usap sa dating live-in at sinusuyong makipagbalikan na, ngunit nairita ang babae kaya umentra ang utol nito saka binoga ang lalaki na pinaniniwalaang lango sa droga. (Cristina G. Timbang)
2 tinedyer todas sa salpok ng trak
PALAUIG, Zambales – Dalawang mag-pinsang tinedyer ang binawian ng buhay makaraang salpukin ng trak habang ang mga biktima ay nagmomotorsiklo sa kahabaan ng kalsada na sakop ng Barangay Pangolingan sa bayang ito noong Linggo ng umaga.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Ramon Magsaysay Hospital ang mga biktimang sina Ricky, 17 at Jetro Atrero, 19, ng Barangay Sinabacan, Candelaria, Zambales, samantala, sumuko naman ang driver ng trak (CFS-419) na si Reynaldo Acosta, 25, ng Sitio Ubat, Barangay Baloganon, Masinloc, Zambales.

Sa ulat ng pulisya, naitala ang aksidente dakong alas-11:20 ng umaga matapos mag-overtake ang sinasakyang motorsiklo ng mag-pinsan sa sinusundang trak hanggang sa maganap ang aksidente. (Erickson Lovino)
Informer tinigok sa basketball court
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Muli na namang naghasik ng karahasan ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos na pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang 28-anyos na lalaki habang nanonood ng basketball sa plaza ng Barangay Bolos, Irosin, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na inakalang asset ng militar at ng pulisya ay nakilalang si Leonardo Durana, binata ng nabanggit na barangay.

Napag-alaman sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang karahasan dakong alas-9 ng gabi nang lapitan ng tatlong rebelde ang biktima saka itinumba at palakad na lumayo sa pinangyarihan ng krimen na animo’y walang nangyari. (Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY

BARANGAY BALOGANON

BARANGAY BOLOS

BARANGAY DULONG-BAYAN

BARANGAY PANGOLINGAN

BARANGAY SINABACAN

CENTER

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with