Barangay chairman dinedo ng NPA

CARRANGLAN, Nueva Ecija – Apat na tama ng bala ng baril ang tumapos sa isang barangay chairman matapos na ratratin ng nag-iisang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay G.S. Rosario sa bayang ito kamakalawa ng umaga.

Si Reynaldo B. Dela Cruz, 42, may asawa ng Barangay D.L. Maglanoc ay kalalabas pa lamang ng simbahan nang lapitan ng rebelde at sunud-sunod na pinaputukan ng baril.

Nabatid sa ilang nakasaksi sa pangyayari, ang killer ay palakad na lumayo patungo sa Sitio Abebig, Barangay General Luna sa bayang ito.

Sa kasalukuyan ay blangko pa rin ang pulisya sa motibo ng krimen. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments