Magsasaka todas, Barangay Kagawad grabe sa saksak ng senglot

MINALABAC, Camarines Sur–Dalawang araw pa lamang ang nakalilipas sa Bagong Taon ay naging biktima ni kamatayan ang isang 51-anyos na magsasaka, samantala, nasa kritikal na kondisyon naman ang isang barangay kagawad makaraang pagsasaksakin ng kainuman ng mga biktima sa Barangay Taban sa bayang ito kahapon ng madaling-araw.

Duguang bumulagta ang nasawing biktimang si Benkamin Delos Santos, may asawa, samantala, malubhang nasugatan si Edgardo Renta, 37, may asawa, barangay kagawad ng naturang lugar.

Tinutugis naman ang suspek na si Nonito Fabay ng Sitio Goyo matapos isagawa ang krimen dakong alas12:05 ng madaling-araw.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na magkakasamang nag-iinuman ng alak ang tatlo hanggang sa malango ang suspek kaya nagawa ang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments