^

Probinsiya

Jailbreak: 6 preso nakapuga

-
TACLOBAN CITY – Anim na preso na may mabibigat na kasong nakabinbin sa korte ang iniulat na nakatakas mula sa Northern Samar provincial jail makaraang wasakin ang pintuang bakal habang natutulog ang guwardiya noong hapon ng Disyembre 31, 2002.

Kinilala ni P/Supt. Alberto Mendador, Northern Samar police provincial director, ang mga kilabot na presong nakapuga ay sina Rogelio Galicio na may kasong 4 counts ng pagpatay; kapatid nitong si Cecelio na nahatulang mabitay dahil sa kasong murder; Rodolfo Catamora na may kasong 4 counts ng rape; Wilfredo Delaba, Romeo Nicha at Donde de Guia na pawang may kasong murder sa korte ng Catarman Northern Samar.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, bandang ala-una ng hapon bago sumapit ang Bagong Taon, aabot sa 100 preso ang magkakasamang nananghalian sa kanilang selda.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakakuha ng baril si Rogelio Galicio at pinaputukan sa ulo ang guwardiyang si Proseso Parides at sinamantala naman ni Nicha na lagariin ang bakal ng pintuan ng kulungan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, si Parides ay natutulog ng maganap ang pangyayari.

Dalawang oras matapos na pumuga ng mga preso, si De Guia ay nalambat nina Jail guard Bienvenido Madayag at Crispin Lestajo sa forested area ng Barangay Dancalan, Bonbon, Northern Samar.

Nagsagawa rin ng malawakang pagtugis ang pu-lis-Bobon na ikinadakip naman ni Cecelio Galicio sa kagubatang sakop ng Bonbon.

Sinabi si Mendador na mananagot naman ang mga guwardiyang naka-duty sa naganap na jailbreak. (Ulat ni Miriam Garcia Desacada)

vuukle comment

ALBERTO MENDADOR

BAGONG TAON

BARANGAY DANCALAN

BIENVENIDO MADAYAG

CATARMAN NORTHERN SAMAR

CECELIO GALICIO

CRISPIN LESTAJO

DE GUIA

NORTHERN SAMAR

ROGELIO GALICIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with