^

Probinsiya

2 teler naholdap ng P.7-M

-
DASMARIÑAS, Cavite – Dalawang teler ng money changer ang iniulat na natangayan ng P.7-milyon makaraang holdapin ng apat na hindi kilalang armadong kalalakihan sa paradahan ng kilalang department store na sakop ng Barangay Zone 4 sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Dumulog sa himpilan ng pulisya ang mga biktimang sina Jennifer Mayoral, 28 at Jay Isulat, 22 na kapwa residente ng Vista Verde Subdivision, Barangay Maambog, Bacoor, Cavite.

Ayon kay PO2 Ronald Lorenzo, bandang alas-6 ng gabi nang lumabas mula sa pinapasukang Janica money changer ang dalawa at pasakay na sa kotseng nakaparada sa parking lot ng Walter Mart Department Store nang biglang magsilapit ang mga holdaper.

Dito na hinoldap ang dalawa ng mga suspek saka nagsikatas sakay ng dalawang traysikel.

May palagay ang pulisya na natunugan na may dalang malaking halaga ang dalawa kaya inabangang lumabas. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

AYON

BARANGAY MAAMBOG

BARANGAY ZONE

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

JAY ISULAT

JENNIFER MAYORAL

RONALD LORENZO

VISTA VERDE SUBDIVISION

WALTER MART DEPARTMENT STORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with