2 kawal todas sa engkuwentro

ZAMBOANGA CITY – Dalawang kawal ng 37th Infantry Battalion ng Phil. Army at rebelde ang kumpirmadong napatay sa naganap na engkuwentro makaraang atakihin ng mga Muslim extremist ang bagong tatag na detachment ng militar sa Brgy. Brar, Talitay, Maguindanao kahapon ng umaga.

Sina Cpl. Eddie Umalao at Cpl. Rolando Franco ay napatay sa pakikipagbarilan sa mga nagsilusob na rebelde, samantala, sugatan naman si Pfc. Erasmo Dizon.

Sinabi ni Army Major Julieto Ando, tagapagsalita ng Army’s 6th Division na hindi naman nakilala ang rebeldeng nasawi dahil sa binitbit na ng mga kasamahan sa pagtakas partikular na ang mga nasugatan matapos maganap ang engkuwentro dakong alas-5:45 ng umaga sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Roel Pareño)

Show comments