Media pinagbawalang magtungo sa mga kuta ng Sayyaf

Pinagbawalan na kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sinumang mamamahayag na magtungo sa mga kilalang balwarte ng Abu Sayyaf upang maiwasan ang naganap na pagdukot sa dalawang crew ng GMA-7.

Nagpalabas naman si Col. Alexander Aleo, commander ng 104th Brigade ng Phil. Army ng advisory sa mga lokal at dayuhang mamamahayag sa mga lugar na maaari lamang nilang puntahan upang hindi mabiktima ng mga bandidong kidnaper.

Nag-alok naman ng tulong ang militar sa pamamagitan ng pag-escort sa mga mamamahayag kung lalabas ng lalawigan at opisyal ang pupuntahang lugar. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments