^

Probinsiya

2 patay sa barilan

-
OCALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Dalawa katao kabilang ang isang miyembro ng PNP Special Action Force (PNP-SAF) ang nasawi sa naganap na shootout sa Calapan City, Oriental Mindoro kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina PO1 Jesus Rhoel M. Remolar, 35 ng PNP-SAF at residente ng Canlubang, Laguna at ang sibilyang si Calixto Prado, 31, Taguig City.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-6 ng gabi nang tumigil ang isang asul na van na may sakay na apat na armadong kalalakihan sa tapat ng bahay ni SPO2 Primitivo Lojo Jr. ng Calapan City Police sa Mangga St., Brgy. Lalud ng nasabing lunsod.

Isa sa mga suspek ang naunang pumasok sa gate ng bahay ni SPO2 Lojo at pumosisyon sa may pintuan habang ang isa pa ay sa likuran nang nakaparkeng sasakyan.

Agad na pinaputukan ng sunud-sunod ang bahay ni SPO2 Lojo kaya gumanti ng putok si Lojo at isa sa mga suspek na si Remolar na nakaposisyon sa kanilang garahe ay tinamaan.

Bunga nito, mabilis namang tumakas ang driver ng van at isa pa nitong kasamahan matapos na bumagsak ang dalawa.

Sumuko naman si SPO2 Lojo sa kanyang superior upang sumailalim sa ‘‘technical arrest’’ habang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CALAPAN CITY

CALAPAN CITY POLICE

CALIXTO PRADO

CAMP CRAME

JESUS RHOEL M

JOY CANTOS

LOJO

MANGGA ST.

ORIENTAL MINDORO

PRIMITIVO LOJO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with