Briton grabe sa dinamita

Davao City – Naputulan ng kaliwang hita at nalalagay sa panganib ang buhay ng isang British national makaraang masabugan ng dinamita na kanyang dala na gagamitin sa treasure hunting sa loob ng Evergreen Hotel sa Magsaysay Avenue, Davao City kahapon ng umaga.

Kasalukuyang inoobserbahan sa Medical Mission Hospital ang biktimang si Michael Mering, 65 , isang surgeon at treasure hunter na pabalik-balik na sa nabanggit na hotel at naka-billet sa room 305.

Sinabi ni P/Supt. Samuel Yordan, City PNP director, ang pagsabog ay naganap dakong alas-11:30 ng umaga.

May palagay ang pulisya na aksidenteng nalagyan ng upos ng sigarilyo ang dinamita kaya sumambulat. (Ulat ni Boyet Jubelag)

Show comments