^

Probinsiya

Mister pinatay ni misis at bayaw

-
PLACER, Masbate – Isang mister na magsasaka na pinaniniwalaang may ibang kalaguyo ang napaulat na nasawi makaraang pagtulungang saksakin ng sariling misis at bayaw sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Lukso-an sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Animo’y kinatay na baboy ang katawan ng biktimang si Alfredo Ancero, 62, samantala, ang asawa nito na kaagad naman nadakip ay nakilalang si Tarcelina Ancero, 63 at ang kasalukuyang tinutugis ng pulisya na kasab- wat sa krimen ay si Esteban Arresgado, Jr., 60, may asawa na pawang mga residente ng nabanggit na barangay.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-8 ng gabi matapos magtalo ang mag-asawa tungkol sa ibang babae ng biktima na ikinairita naman ng babae dahil sa binalewala nito ang akusasyon.

Kaagad na nagtungo ang babae sa kanilang kusina saka kumuha ng patalim at sinugod ang biktima na kahit na may tama sa likod ay paulit-ulit na umilag.

Ayon pa sa pulisya, dinatnan ng bayaw na sakal-sakal ng duguang biktima ang kanyang kapatid kaya sa halip na awatin ay tinulungan pa nitong saksakin ang kanyang bayaw na tuluyang bumulagta. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALFREDO ANCERO

AYON

BRGY

ED CASULLA

ESTEBAN ARRESGADO

ISANG

KAAGAD

LUKSO

MASBATE

TARCELINA ANCERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with