‘Danilo Barrios’ patay sa mishap

CAINTA, Rizal – Isang lalaki na kapangalan ng teenage actor na miyembro ng "Street Boys" ang iniulat na nasawi, samantala, ang kasama nito ay malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima sa pader na railing kahapon ng madaling-araw sa bayang ito.

Binawian ng buhay sa Mandaluyong Medical City ang biktimang si Danilo Barrios, 58, may asawa ng Villa Olympia, Cypress Village, Brgy. San Juan, Cainta, Rizal, samantala, si Hector Meso, 35, ng Vista Verde Subd, Antipolo City ay nasa kritikal na kondisyon.

Sa ulat ng pulisya, binabagtas ng dalawa ang kahabaan ng Ortigas Avenue Extension patungong Cainta ng mawalan nang kontrol, ang minamehong motorsiklo ni Barrios kaya sumalpok sa konkretong pader. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments