44 MILF's sumuko
March 7, 2002 | 12:00am
Apatnaput apat (44) na separatistang rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kabilang ang kanilang Kumander ang sumuko sa tropa ng pamahalaan sa lalawigan ng Basilan, kamakalawa ng gabi.
Si MILF leader Hadji Marwis kasama ang kaniyang 43 tauhan ay sumuko sa mga operatiba ng Armys 18th Infantry Battalion (IB) bandang alas-8:30 ng gabi nitong Martes sa Brgy. Kulay sa bayan ng Lamitan.
Ayon kay Lt. Col. Danny Lucero, 18th IB Commander, mayroong 29 bilang ng mga armas na gamit ng mga rebelde ang natanggap nila matapos na kusang loob na ibigay ito sa tropa ng militar.
Inaasahan namang 90 pang MILF ang nakatakda na ring sumuko sa batas sa susunod na mga araw bunga na rin ng takot sa Balikatan Forces sa lalawigan ng Basilan.
Kasabay namang isinuko ng grupo ni Marwis ang 14 garand rifles, 3 carbine rifles, 3 grenade launchers, 2 caliber .45 pistols, 6 caliber 38 revolvers, isang caliber 357 revolver at isang caliber 9mm pistol.
Base sa record ng militar, mayroong 1,000 gerilyang MILF ang nakabase sa Basilan, habang 300 naman ang tinatayang puwersa ng bandidong Abu Sayyaf na kasalukuyang bumibihag sa mga mag-asawang Amerikanong misyonaryo na sina Gracia at Martin Burnham at ang Pinay na nurse na si Deborah Yap. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended