20 Abu Sayyaf umatras sa US troops
February 27, 2002 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Umaabot sa dalawampung teroristang Abu Sayyaf group na tangkang tumakas papalabas ng Basilan ang nagsiatras makaraang makasagupa ang tropa ng militar na sinanay ng US Special Forces sa pakikibaka sa terorismo, ayon sa ulat kahapon.
Sinabi ni Lt. Col. Danilo Servando, Southern Command spokesman, ang engkuwentro sa pagitan ng 18th Infantry Battalion sa pamumuno ni Lt. Col. Danny Lucero at Sayyaf ay may 15 kilometro lamang ang layo mula sa base ng US Special Forces.
Ayon pa sa militar, ang sagupaan ay sumiklab bandang alas singko ng madaling-araw sa coastal village ng Sengag, Tuburan makaraang mamataan ng tropa ng militar na papatakas na ang grupo ng Sayyaf dahil sa presensya ng US troops.
Nabatid pa kay Servando na 12 US Green Berrets na kabilang sa 160 US Special Forces ang ipinakalat sa nabanggit na tropa ng militar ngunit hindi naman kasali sa naganap na engkuwentro.
Napag-alaman pa sa ulat ni Servando na nakatulong ang pagpapatrolya ng Phil. Navy na may kasamang US Forces nang ma-intercept ang planong pagtakas ng mga Sayyaf sakay sana ng dalawang bangkang-de-motor.
Kaagad namang nagsibalik sa kagubatan ng naturang lugar ang may 20 Sayyaf nang matunugang papalapit na ang Phil. Navy kaya nagkaroon ng engkuwentro na tumagal ng 30 minuto bago nagsitakas sa ibat ibang direksyon.
Pinalalagay ng militar na marami ang nalagas sa mga bandidong Sayyaf dahil may mga patak ng dugo sa dinaanan nito. (Ulat ni Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended