^

Probinsiya

3 rapist/killers ng mag-ate tugis ng pulisya

-
ANTIPOLO CITY — Tatlong kalalakihang miyembro ng kilabot na "cellphone gang" na una nang nangholdap sa isa sa magkapatid na dalaga na natagpuang tadtad ng saksak at ginahasa ang siyang itinuturong mga suspek matapos na magbanta ito sa dalawa na papatayin bago maganap ang brutal na krimen.

Pinaghahanap na ngayon ng Antipolo police ang suspek na tinago sa alyas "Jovy", nasa edad 20-22, habang hindi pa nakikilala ang dalawa niyang kasamahan na pawang mga residente rin ng Sitio Dalig 1, Brgy. Dalig, ng lungsod na ito.

Ayon kay Supt. Jose Dayco, hepe ng Antipolo police, nakilala ang suspek matapos na makita ng isang 14-anyos na dalagitang kapitbahay ng mga biktimang sina Jasmine Baylon, 22; at Agnes, 26, ang suspek na si Jovy noong gabi bago matagpuan ang bangkay ng dalawa kamakalawa ng umaga.

Sinabi ng mga kapitbahay ng mag-ateng Baylon na ilang beses na umano nilang nakitang aali-aligid ang suspek sa bahay ng mga biktima. Nakipag-usap pa umano ito sa biktimang si Jasmine na iurong ang isinampa nitong kasong robbery hold-up sa pulisya matapos na hablutin nito ang kanyang cellphone noong nakaraang Disyembre.

Sa pagtatanong sa mga kaptibahay, nakilala ni Jasmine ang suspek na kalugar lamang niya at kinasuhan sa pulisya. Hindi naman pumayag ang biktima na magpaareglo sa suspek kaya nauwi ito sa pagbabanta ni Jovy na reresbak.

Ang naturang cellphone naman ang tinatawagan ng kasintahan ni Jasmine na si Arnold Jaurigue, 27, ngunit dahil sa walang sumasagot at wala ring reply sa kanyang text ay nagpasya itong personal na puntahan ang bahay ng magkapatid kaya nadiskubre ang trahedyang sinapit ng mga biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AGNES

ARNOLD JAURIGUE

AYON

BAYLON

DANILO GARCIA

JASMINE BAYLON

JOSE DAYCO

SITIO DALIG

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with