^

Probinsiya

Magkapatid ni rape/slay

-
ANTIPOLO CITY – Dalawang magkapatid na dalaga ang panibagong biktima ng rape-slay matapos na matagpuan ang mga walang saplot nilang mga katawan na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nakatali sa ibabaw ng kama, kahapon ng umaga sa lungsod na ito.

Ang mga biktima ay sina Jasmin Baylon, 22, empleyada ng Cebu-Pacific Airline Ticketing Office at ate niyang si Agnes Baylon, 26, kapwa residente ng Lot 5 block 14, Sitio Dalig 1, Brgy. Dalig, ng lungsod na ito.

Sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng magkapatid dakong alas-7:20 ng umaga sa loob ng kanilang kuwarto ng kasintahan ni Jasmin na si Arnold Jaurigue, 27, empleyado.

Nagtaka umano siya kung bakit hindi pumasok sa kanyang trabaho si Jasmin kaya naisipan nitong tawagan sa cellphone. Kinabahan na umano siya dahil sa walang sumasagot sa naturang telepono.

Dito na ito nagpasyang personal na puntahan ang bahay ng kasintahan at dito niya nadiskubre ang brutal na pagkamatay ng magkapatid.

Narekober sa kuwarto ng mga biktima ang isang t-shirt na panlalaki na may bahid ng dugo at ilang hibla ng buhok.

Nagtamo ng 16 na saksak si Jasmin at nilaslas ang isang bahagi ng dibdib nito habang nagtamo naman ng 12 saksak si Agnes bukod pa ang tinamong bugbog. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AGNES

AGNES BAYLON

ARNOLD JAURIGUE

BRGY

CEBU-PACIFIC AIRLINE TICKETING OFFICE

DALAWANG

DALIG

DANILO GARCIA

JASMIN BAYLON

SITIO DALIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with