^

Probinsiya

Pedopilyang Kano dinakip

-
Inaresto kahapon ng mga ahente ng Bureau of Immigration ang isang Amerikanong pedopilya na umano’y nang-molestiya sa mga menor-de-edad sa Cebu City.

Inaresto ng mga BI agents ang suspek na si Charles Horn sa loob ng isang restaurant sa Brgy. Banilad.

Ayon kay Immigration Comm. Andrea Domingo na si Horn at isa pang Randy Lee Campbell ay matagal nang hinahanting ng kanilang tanggapan simula pa noong Setyembre matapos na makatanggap sila ng reklamo mula sa mga naging biktima nito.

Ang reklamo sa dalawang dayuhan ay batay sa isinampang kaso ng 10 kababaihang menor-de-edad na umano’y pinagsamantalahan sa magkakahiwalay na okasyon.

Ang mga suspek ay operator ng Wedo taxi at nagmamantine ng Minute Man sa nasabing lalawigan at lumalabas na wala silang rekord na nag-apply ang mga ito ng working permits at visas.

Si Horn ay isasailalim sa deportation proceedings habang pinaghahanap pa si Campbell. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ANDREA DOMINGO

BUREAU OF IMMIGRATION

CEBU CITY

CHARLES HORN

ELLEN FERNANDO

IMMIGRATION COMM

INARESTO

MINUTE MAN

RANDY LEE CAMPBELL

SI HORN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with