^

Probinsiya

Pastor tinamaan ng bato sa loob ng bus,patay

-
KAMPO HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan– Isang pastor mula sa sektang Don Stewart Ministries Miracle Revival, Inc. ang iniulat na nasawi makaraang tamaan ng isang tibak na bato sa dibidib habang ang biktima ay lulan ng isang pampasaherong bus na bumabagtas sa kahabaan ng Doña Remedios Trinidad Highway sa Brgy. Tarcan, Baliuag, Bulacan kamakalawa ng madaling araw.

Idineklarang patay sa pinagdalhang ospital ang biktimang nakilalang si Rev. Paulino Sabelo, 48, may asawa ng Brgy. Poblacion, Mayoyao, lalawigan ng Ifugao.

Pinalalagay ng pulisya na ang suspek ay isang kabataang lango sa droga ang nambabato sa mga dumaraang mga pampasaherong jeep at bus sa kahabaan ng naturang lugar at nagkataong ang biktima ang isa sa tinamaan.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nakaupo ang biktima sa likurang bahagi ng driver ng may biglang tumamang malaking tipak ng bato sa harapan ng bus na naging dahilan upang mawasak ang unahang salamin.

Nagtuloy ang tipak na bato na inihagis ng hindi pa nakikilang lalaki sa dibdib ng biktima na ikinasawi nito habang dinadala sa ospital.

Magugunita na si AFP (ret.) General Orlando Antonio ay nasawi din sa pamamagitan ng pambabato ng mga kabataang lalaki na lango sa droga noong 1998 habang ang biktima ay lulan ng sasakyan.

Pagsapit sa ilalim ng tulay ng Brgy. Pritil, Guiguinto, Bulacan sa north expressway ay binagsakan ng malaking tipak na bato ang sasakyan ng biktima na kaagad naman nitong ikinasawi.

Nadakip naman ang suspek na si Billy Alejandro, 19, na ngayon ay nakakulong sa New Bilibid Prison dahil sa hatol na habambuhay. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BALIUAG

BILLY ALEJANDRO

BRGY

BULACAN

DON STEWART MINISTRIES MIRACLE REVIVAL

EFREN ALCANTARA

GENERAL ORLANDO ANTONIO

NEW BILIBID PRISON

PAULINO SABELO

REMEDIOS TRINIDAD HIGHWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with