Convoy ng gobernador inambus ng NPA; 2 PNP escort patay, 2 grabe

Dalawang police security escorts ang nasawi samantalang dalawa pa ang grabeng nasugatan makaraang tambangan ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang convoy ng governador ng Compostella Valley, kahapon ng hapon.

Sa sketchy report na nakarating kahapon sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Makati City, masuwerte namang nakaligtas sa kamatayan si Compostella Governor Jose R. Caballero subali’t minalas na mapatay ang dalawa nitong police escorts.

Gayunman, kasalukuyan pang beneberipika ang mga pangalan ng nasawing police security escorts ni Gov. Caballero at ng dalawa pang malubhang nasugatan sa insidente na nagsalba sa buhay ng target na opisyal.

Ayon kay Col. Jose Mabanta, Spokesman ng Philippine Army, dakong alas-3:15 ng hapon ng maganap ang madugong ambush.

Napag-alaman na kagagaling lamang ni Gov. Caballero sa inagurasyon ng isang road project na nag-uugnay sa bayan ng Catiil, Compostella Valley sa Davao Oriental at kasalukuyan itong papauwi nang tambangan ng mga rebeldeng komunista. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments