^

Probinsiya

Nene ni-rape/slay; isa pa pisak sa truck

-
Isang 10-anyos na batang babae ang hinalay bago pinatay ng isang laborer na pinaniniwalaang lango sa droga kamakalawa sa Brgy. Habay ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang natagpuang bangkay ng biktima na si Jacklyn Resurrecion ng Alalay Compound, Palo Alto, Brgy. Habay I ng naturang lugar.

Samantala, ang suspek na mabilis na nasakote sa isinagawang follow-up operation ng Bacoor PNP ay nakilalang si Reynaldo Gardo, 21, binata at kapitbahay ng biktima.

Natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ng biktima sa madamong lugar sa Brgy. Habay dakong alas 8 ng umaga makaraang iulat ng mga magulang na nawawala ito.

Kasunod nito, isa namang 5-anyos na batang babae ang iniulat na nasawi makaraang masagasaan ng truck ng militar habang tumatawid ang biktima kamakalawa ng umaga sa highway na sakop ng Brgy. Barucbuc, Quezon, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Angelica Pamaspas habang ang suspek na driver ay kusang-loob na sumuko ay nakilalang si Corporal Robert Yadao ng 50th Brigade ng Phil. Army. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Joy Cantos)

vuukle comment

ALALAY COMPOUND

ANGELICA PAMASPAS

BRGY

CORPORAL ROBERT YADAO

CRISTINA GO-TIMBANG

HABAY

HABAY I

JACKLYN RESURRECION

JOY CANTOS

PALO ALTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with