^

Probinsiya

Madugo at malawakang dayaan sa Caraga Region

-
BUTUAN CITY, Caraga Region — Malawakang pamimili ng boto at misteryosong pagkawala ng mga pangalan ng botante sa official voter’s list sa iba’t ibang bahagi ng presinto ng Caraga Region ang naranasan ng residente partikular na ang pagkaka-ambush sa isang mayoralty bet ng Agusan del Sur sa Brgy. El Rio, Sibagat na nakaligtas naman.

Samantala, isang kapatid naman ni Agusan del Norte Rep. Roan Libarios ang nasakote ng mga kagawad ng pulisya sa kahabaan ng highway ng Brgy. Panaytayon, RTR, Agusan del Norte na may dalang halagang P70,000 na nakalagay sa bawa’t envelope ay P150.00 at pinaniniwalaan namang gagamitin sa pamimili ng boto.

Kinilala ng pulisya ang nasakoteng suspek na si Antonio Libarios, 35, may asawa na pinara ng pulisya dakong alas 9:10 ng gabi ng May 13.

Kasunod nito, sa Sibagat, Agusan del Sur, isa pang LDP vice-mayoralty bet na si incumbent councilor Maldovico Benegian, 36 ay nakaligtas sa pananambang ng may 30 armadong hindi kilalang kalalakihan na naganap sa national highway ng Brgy. El Rio dakong alas 11:10 kamakalawa ng gabi.

Binaril at napatay naman ang isang suporter ng LDP na si Artemio Laxa, 41 ng Brgy. Riverside sa loob ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi.

Dakong alas-3 ng hapon nang isara ang botohan at umaabot sa 72.77 % botante ang nakaboto sa buong rehiyon, ayon sa ulat ng Caraga Comelec Regional Office. (Ulat ni Ben Serrano)

vuukle comment

AGUSAN

ANTONIO LIBARIOS

ARTEMIO LAXA

BEN SERRANO

BRGY

CARAGA COMELEC REGIONAL OFFICE

CARAGA REGION

EL RIO

MALDOVICO BENEGIAN

NORTE REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with