Mag-aamang Revilla may hidwaan

IMUS, Cavite – Pinaniniwalaang magkakaroon ng hidwaan ang mag-aamang sina Senador Ramon Revilla Sr. at mga anak nitong sina Cavite Gov. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., Marlon Bautista at 1st District Board Member Edwin ‘Strike’ Revilla dahil sa magkakaibang desisyon ukol sa naudlot na impeachment trial.

Ito ay matapos na bumoto si Revilla Sr. ng ‘no’ sa impeachment trial kasama ang 10 pang senador ay agad na naglunsad ang iba’t ibang militanteng grupo ng protest rally sa EDSA Shrine.

Bigla namang dumating doon si Gov. Revilla na kontra naman sa ginawang desisyon ng kanyang ama.

Kasama rin nitong nagtungo sa EDSA sina Strike at Marlon.

Inaasahan naman ng kanilang mga kababayan na ito ay magiging dahilan para tumindi ang hidwaan sa pagitan ng mag-aama. (Ulat ni Mading Sarmiento)

Show comments