Radio station pinasabugan

Pinasabog ng pinaniniwalaang miyembro ng MILF ang isang istasyon ng radyo na nagresulta sa malubhang pagkasugat sa mataas na opisyal nito, kahapon ng madaling araw sa Cotabato City.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo , dakong alas- 3 ng madaling araw nang yanigin ng malakas na pagsabog ang loob mismo ng istasyon ng DXMS na nasa kahabaan ng Sinsuat Avenue, sa nabanggit na lunsod.

Nasugatan sa naturang pagsabog ang opisyal ng naturang istasyon na nakilalang si Erick Tanod-tanod, executive officer sa himpilan na noo’y natutulog sa lugar nang maganap ang insidente, maliban pa sa malaking pinsalang tinamo ng establisimento at isang van na nawasak sa insidente. (Ulat ni Joy Cantos )

Show comments