NCRPO sa mga pulis: ‘No moonlighting’
MANILA, Philippines — Binalaan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Officer-in-Charge Police Brig. Gen. Christopher Abrahano ang lahat ng pulis sa Metro Manila laban sa hindi otorisadong sideline o “moonlighting.”
Aniya, dapat manatiling nakatutok ang mga pulis sa kanilang tungkulin at iwasan ang anumang extra work na makakompromiso sa integridad at makakasira sa tiwala ng publiko.
Inatasan niya ang mga district director at station commander na ipaalala sa tauhan ang alituntunin ng PNP sa pagtatrabaho sa labas ng serbisyo.
Ang paalala ay alinsunod sa direktiba ni PNP Chief P/Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. at ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamamagitan ni Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na palakasin ang propesyonalismo at pananagutan.
Muling iginiit ni PBGen. Abrahano na patuloy na itataguyod ng NCRPO ang disiplina,integridad, at pananagutan sa hanay ng mga tauhan nito.
- Latest

















